Enchong takes on swim champ persona anew

Posted at Apr 12 2012 11:44 PM | Updated as of Apr 13 2012 07:44 AM

Sabi ni Enchong Dee, makulay daw ang kanyang buhay ngayon.

"I have a good work. I have a great, healthy lifestyle tapos I get to travel at the same time,” sabi ni Enchong.

At lalo umanong nagkakulay ang kanyang buhay nang mapili siyang endorser ng isang health supplement na kilala sa buong mundo.

Dahil diyan, kabilang na ngayon si Enchong sa mga celebrity athlete-endorsers tulad nina Kurt Warner at Gabrielle Reece na popular sa American sports fans.

"In our philosophy of optimal health, we like to talk to people about eating the right food, about engaging in exercise and an active lifestyle. So Enchong Dee is a perfect brand ambassador, perfect spokesperson to advocate that lifestyle,” sabi ni Bob Tully ng Nutrilite.

Bago nag-artista, champion swimmer si Enchong kaya maalaga sa katawan.

Nagpunta siya sa headquarters ng kumpanyang gumagawa ng produkto.

Kasama rin sa mga shows ng Star Magic si Enchong sa iba't ibang parte ng Amerika.

Pero, aminado si Enchong na excited na rin siyang makabalik ng Pilipinas dahil miss na niya ang kanyang pamilya.

May mga nakalinya rin umano siyang bagong proyekto pagbalik, pero hindi pa niya masabi kung sino ang makakapareha niya.

“We'll see when I get back,” ani Enchong.

"Kung magkaroon ng opportunity, sinong gusto mo pang makapareha?"

"Sandra Bullock," sabi ni Enchong. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Buena Park, California