Angelica, John Lloyd back from shooting in Vietnam

Posted at Apr 12 2012 10:09 PM | Updated as of Apr 13 2012 06:09 AM

Pagod man mula sa shooting sa Vietnam, nagawa pa ring magpaunlak ng interview nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Kasama ang dalawa sa bigating cast ng romantic movie para sa Star Magic 20th anniversary.

Sa panahong nagkatrabaho, napahanga agad si Angelica kay John Lloyd.

“Kung gaano siya ka-professional, sobra parang hindi napapagod. Parang automatic siya,” sabi ni Angelica.

Tila wala ngang kapaguran si John Lloyd, tuluy-tuloy ang shooting nila ni Sarah Geronimo habang nakalinya pa ang balik-tambalan nila ni Bea Alonzo sa sa teleserye.

“Nae-excite ako sa bago naming magiging batuhan ni Bea kasi it’s been years na... iba na siyempre ang Bea ngayon, iba na ako,” sabi ni John Lloyd.

Habang si Angelica, unang beses naman makakatambal sa big screen si Piolo Pascual sa "Every Breath You Take."

“Nakakalungkot kasi parang sobra na kaming bonded lahat tapos parang patapos na,” sabi ni Angelica.

Unang beses din naglabas ng saloobin ni Angelica kaugnay sa paglipat ng ibang istasyon ng boyfriend na si Derek Ramsay.

“Nalaman ko na lang din kasi na nakapag-decide na siya, nasa Vietnam na ako. Ganoon namin katiwala ang isa’t isa na kahit anong decision mo okay lang. Nagulat [ako] siyempre. Well hindi naman puwedeng hindi niya nababanggit sa akin iyon pero sa ganoong aspeto kasi, as long as hindi kailangan ng opinyon ko, hindi ko naman ibinibigay,” sabi ni Angelica.

Kumpiyansa si Angel na hindi ito makakaapekto sa relasyon nila ni Derek habang kontento si Angelica sa takbo ng kanyang career.