'Princess and I' airs April 16

Posted at Apr 12 2012 12:03 AM | Updated as of Apr 12 2012 11:59 AM

Masisilip na ang Kaharian ng Yangdon sa Bhutan sa live press launch ng pinakabagong teleserye dito sa ABS-CBN, ang “Princess and I” dito sa Dolphy Theatre.

Isa ito sa tinuturing na pinakamagastos na teleserye na kinunan pa sa Bhutan at sadyang pinagkagastusan ang mga costumes.

Tampok dito si Kathryn Bernardo, na may tatlong prince charming na sina Khalil Ramos, Daniel Padilla at Enrique Gil.

Ito rin ang pagbabalik-teleserye ni Gretchen Barretto.

Kasama rin dito si Albert Martinez at marami pang iba.

Mapapapanood na ang engrandeng serye sa April 16 sa Primetime Bida.