Friendship with Kris 'deeper' -- Diether

Posted at Apr 11 2011 10:32 PM | Updated as of Apr 12 2011 06:32 AM

Harutan at kulitan ang mag-amang Diether at Dream Ocampo.

Matapos ngang iiwas sa mata ng publiko, sa unang  pagkakataon ay ipinakilala ni Diether Ocampo ang anak sa dating nakarelasyon.

Puno ng masasayang eksena ang seventh birthday ni Dream.

Ayon sa aktor, ito na ang tamang panahon para ibahagi nya ang pribadong aspeto ng kanyang buhay.

"Ngayon ko lang unting naiintindihan ang mga bagay dati na hindi ko naiintindihan... And now I'm becoming more mature... I guess, with greater responsibilities," aniya.

Hindi naman daw ibig sabihin nito ay papasok na si Dream sa showbiz.

Katunayan, medyo mahiyain pa si Dream sa kamera. Agad umiwas ang bata nang hingan ng sampol ng kanyang paboritong kanta.

"Pinangako niya (Dream) sa 'king magtatapos muna sa pag-aaral. Sabi ko 'No problem,'" ani Diether.
   
Kung bukas na sa usapin patungkol sa anak, kumambyo naman si Diether tungkol sa  isyung pagkakamabutihan nila ng naging leading lady na si Kris Aquino.

"Wala dapat akong i-explain. I'm very happy that at this point, ang pagiging magkaibigan namin, naging mas malalim," sabi pa ni Diether. "Parang ibang level na."

Ayon sa aktor, anuman ang kulang sa kanyang love life ngayon ay napupunuan ito ng pagmamahal ng anak. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino