Shaina stars in new Kapamilya teleserye

Posted at Apr 10 2012 04:27 AM | Updated as of Apr 10 2012 12:27 PM

Maagang sumabak sa showbiz at nakilala bilang child actress. Naging kapansin-pansin ang kanyang galing sa pag-arte at humakot ng parangal sa mga pelikulang "Tanging Yaman," "Sa 'yo Lamang" at "Ang Tanging Ina." Pinagbidahan din ang ilang programa sa telebisyon gaya ng "Rubi" at "Alynna." Humahataw din siya sa dance floor ng sunday noontime show na "ASAP." At ngayon, bibidang muli sa teleserye para sa mga OFW, ang "Kung Ako'y Iiwan Mo." Shaina Magdayao, live! Bandila, Abril 9, 2012, Lunes