Former sexy star now a 'fire queen' in Boracay

Posted at Apr 05 2011 10:35 PM | Updated as of Apr 06 2011 06:35 AM

Nakilala siya sa commercial ng beer kung saan nabinyagan siyang si Sh-boom.

Umangat ang kanyang bituin bilang sexy drama actress sa pelikulang “Kokak.”

Kontrobersyal ang naging karera ni Rachel Lobangco dahil na rin sa kanyang pananamit, prangkang pananalita at kaibang pananaw sa buhay.

Nawala siya pansamantala sa eksena—iyon pala'y nagkaroon na siya ng anak at hindi nagtagal, ay naging single parent.

Ngayong bakasyon, sa tabing-dagat pa rin nakita ulit si Sh-boom.

“Fire queen” ang tawag sa kanya sa Boracay. Literal siyang naglalaro ng apoy.

"Feeling ko talaga may connection between me and the fire... It's so hard to explain it...  Pag ako'y nagpe-perform, parang kami lang dalawa ang nagkakaintindihan," ani Rachel.

Lumalabas si Rachel ngayon sa teleseryeng “Mana Po.”

Maliban dito, sa Boracay ang kanyang tahanan.

"Gusto ko munang maging mommy. Gusto ko munang i-embrace 'yung... motherhood... I found my fire dito sa Boracay while taking care of her, kasi bakasyon ako nang bakasyon," kuwento pa ni Rachel.

Fire dancer din ang anak na si Leonna at madalas magkasama ang mag-ina sa performance.                                       

Matagal naman nang niyayaya si Rachel ng kanyang ina na mamahala ng kanilang multi-milyong products. Ito’y negosyo sa pagpapaganda at pagpapaputi.
                                       
Hindi pa handa si Rachel na nakabaon pa nang malalim ang mga paa sa buhangin ng Boracay.

"Sana i-preserve pa 'yung sand. You can take home memories, but leave our sands here in Boracay," aniya. Korina Sanchez, Patrol ng Pilipino