Andi Eigenmann ready to forgive her child's dad?

Posted at Apr 03 2012 10:55 PM | Updated as of Apr 04 2012 09:44 AM

Ibinunyag ni Andi Eigenmann, nagkrus na ulit ang landas nila ni Albie Casino. Pero kaya na nga ba niyang patawarin ang ama ng kanyang baby girl? Nagpa-Patrol, Marie Lozano. TV Patrol, Abril 3, 2012, Martes

Sinong mag-aakalang apat na buwan pa lang mula nang manganak si Andi Eigenmann sa kanyang bikini-ready body sa Boracay.

“I just watch what I eat, exercise. But I just can’t do much yet, that’s why I’m lucky that I’m shedding off weight pretty fast,” sabi ni Andi.

Back in shape ang aktres para sa showbiz comeback. Ngayon, handa na ba siyang magpa-sexy sa men’s magazine?

“Maybe, just watch out for it,” ani Andi.

Ibinunyag ni Andi ang daring role sa pagbabalik niya sa teleserye.

“I’ll be doing a show with Iza Calzado. It’s my first time to be paired with Jake Cuenca. Gabby Concepcion will be there also,” sabi ni Andi. “In a sense more daring, more mature of course.”

Ayon kay Andi, inspirasyon niya sa pagsusumikap ang kanyang baby girl na si Ellie.

“Ellie is my life now, so everything that I do, I always put her first and I always think about her,” sabi ni Andi.

Gagawin daw niya lahat para kay Ellie. Pero kabilang kaya rito ang pagpapatawad kay Albie Casino na ama ng kanyang baby?

“Eh wala naman kasing nagso-sorry sa akin, sinong papatawarin ko? If they want to meet her and be part of her life, then I’m all for it,” ani Andi.

“Siguro pag nag-sorry siya, papatawarin ko siya kasi para sa akin, ‘yung sa aming dalawa, I left that all in the past. I’ve moved on.”

Pagbubunyag ni Andi, nagkasalubong na ulit sila ni Albie.

“Hindi niya 'ata ako kilala eh, hindi kami masyado close,” ani Andi.

Mas pagtutuunan daw ni Andi ng pansin ang baby at career. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino