Bb. Pilipinas bets say 'no' to transgender candidates

Posted at Mar 30 2012 10:25 PM | Updated as of Mar 31 2012 09:46 AM

Hot topic pa rin sa social media ang kontrobersyal na disqualification ng transgender na si Jenna Taclova sa Miss Universe Canada.

Ayon sa online petition para ma-reinstate si Jenna, may legal status na ang modelo bilang babae.

Pero ayon sa Binibining Pilipinas candidates, hindi puwedeng mangyari ito sa pageant.

“Hindi mo kasi puwedeng isama sa isang pageant ang babae sa hindi babae,” sabi ng kandidatang si MJ Lastimosa.

“We have rules in Binibini na you can’t join if you’re male,” ani naman ng kandidatang si Elaine Moll.

Mainit na diskusyon ang topic sa huling sexy pictorial ng mga binibini. Bago ang panahon ng pagtitika, natawa lang sila sa punang dumarami ang mga bakla at transgender na mas maganda pa raw sa kanila.

“I guess they have their own pageants. Meron po tayong Ms. Gay Philippines, doon napapakita nila ang ganda nila,” sabi pa ni Lastimosa.

“They have the right to do everything that everyone else does,” sabi naman ni Nicole Schmitz, isa pang kandidata.

Ayon naman sa founder ng Ms. Gay Philippines na si Chito Alcid, darating din ang panahon na kikilalanin  ang mga transgender bilang lehitimong beauty contestants dahil kapantay na nila ang mga kababaihan.

Samantala, pinangalanan ng mga Bb. Pilipinas beauties ang kanilang sexiest Pinoy males. Kabilang dito sina Robin Padilla, Markki Stroem, Xian Lim at Derek Ramsey.

Ang Binibining Pilipinas coronation night ay aabangan sa April 15. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino