'F Girls' hosts reunited

Posted at Mar 28 2012 10:22 PM | Updated as of Mar 29 2012 06:22 AM

Puno ng tawanan, kulitan at picture-taking ang pagsasama muli ng “F Girls” na sina Daphne Osena-Paez, Cher Calvin, Angel Aquino at Amanda Griffin.

Anim na taon na mula nang nagpaalam sa ere ang lifestyle show pero buhay na buhay ang kakaibang bonding ng hosts.

“I was so excited to see all four of us because this is the first time ever,” sabi ni Daphne.

Tumira sa Hong Kong si Amanda pero naghahanda na siya sa pagbabalik sa Lifestyle TV sa show tungkol sa pagiging mommy.

Si Angel, tuloy ang pag-arangkada ng acting at hosting career.

Producer at host ng lifestyle show na “Urbanzone” at may sariling negosyo naman si Daphne habang main news anchor naman si Cher sa primetime news sa Los Angeles, California.

“As far as being successful and that kind of stuff, that’s all from within. It’s about visualizing, it’s about looking for that goal and setting those goals,” sabi ni Cher.

Puno naman ng sigla ang homecoming ni Gabby Concepcion na nagbabalik sa Kapamilya network.

“It feels good to be back sa ABS-CBN,” sabi ni Gabby.

Ibinalita rin ni Gabby na muli siyang magiging daddy.

“Kahit na ano basta normal. Kahit all girls okay lang,” sabi ni Gabby.

Pero kahit may sariling pamilya na, maayos pa rin ang relasyon ni Gabby sa kanyang mga ex tulad ni Grace Ibuna.

Nakakausap raw niya si Grace na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin sa pagkamatay ni Congressman Iggy Arroyo.

“Madalas kami nag-uusap. Magkaibigan naman kami. Malungkot siya eh so naghahanap ng somebody you can talk to,” sabi ni Gabby.

Buo rin ang suporta ni Gabby sa ex-wife na si Sharon Cuneta na nasangkot kamakailan sa Twitter wars laban sa ilang fans.

“Naaalala ko once upon a time na may nagsabi sa aking isang batikang artista na kapag tinitira ka sa showbiz, tumahimik ka lang,” sabi ni Gabby.

Sa kabila nito, masaya si Gabby sa napapabalitang love life ni KC na nali-link sa British boy band member na si Jules Knight ng Blake.

Abril magsisimula ang taping ni Gabby sa bagong teleserye kasama si Andi Eigenmann at Iza Calzado. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino