'Princess and I' shows behind-the-scenes footage

Posted at Mar 28 2012 12:50 AM | Updated as of Mar 28 2012 08:50 AM

Ito ang unang sulyap sa mga eksena sa likod ng kamera sa pinagmamalaking Kapamilya teleserye ng taon—ang “Princess and I,” na kinunan pa sa Kingdom of Bhutan.

Mula sa bonggang costumes, dumayo pa mismo ang cast at crew sa maliit na bansang napagigitnaan ng China at India.

At sa sandaling panahon, hindi naitago ni Enrique ang pagkamangha sa ganda ng tanawin sa Bhutan.

“Sobrang exotic ng place, sobrang bihira lang talaga makapunta doon. ‘Yung mga scenes, ‘yung mga temples, first time lang makikita sa Philippine television,” sabi ni Enrique.

Ang Bhutan ang napiling lugar para bigyang buhay ang fictional Kingdom ng Yangdon.

Malapit kasi ang itsura at kultura ng Bhutan sa paglalarawan ng lugar sa kaharian sa teleserye.

Ayon kay Kathryn, napagkamalan pa siyang Bhutanese.

Kamukha kasi niya ang prinsesa nila doon.

“Sabi nila may ibang features ako na mukhang Bhutanese. Sana makatulong ‘yun para mas ma-appreciate ng tao ‘yung show na ginawa namin,” sabi ni Kathryn.

Iikot ang kwento sa batang laki sa hirap na gagampanan ni Kathryn, na madidiskubreng isa pala siyang prinsesa.

Makikilala niya ang tatlong lalaking mapapalapit sa kanyang puso.

Bidang-kontrabida naman dito si Gretchen Barretto.

Kasama rin sa cast sina Albert Martinez, Yayo Aguila at Daniel Padilla.

Ayon kay Kathryn, malaking hamon sa kanya ang maka-eksena ang mga bigating artista.

Ayon kay Kathryn, kinakabahan siya lalo’t sa April 16 na mapapanood ang “Princess and I.” Marie Lozano, Patrol ng Pilipino