Angel admits teaching Phil 'victory dance'

Posted at Mar 21 2012 09:17 PM | Updated as of Mar 22 2012 02:47 PM

Niluluto na ang reunion ng Padilla clan sa pagbabalik-Pinas ni BB Gandanghari na dating kilala bilang Rustom Padilla.

Ito ang ibinunyag ni Robin Padilla sa bagong endorsement.

Ayon kay Robin, mismong ang misis na si Mariel ang may pakana nito.

Pero ngayon inamin ni Binoe, hindi pa sila tuluyang nagkakaayos ng kapatid na si BB na matatandaang naglantad noong 2006.

“Sa ngayon, hindi kami OK. Bilang kapatid, oo, pero sa mga paniniwala medyo magkaiba kami ng tinatahak,” sabi ni Robin.

Ayon kay Robin, darating din ang tamang panahon para magkaayos silang magkapatid.

Isa si Angel Locsin sa nakapanood sa pa-sampol kahapon sa TV Patrol ni Phil Younghusband ng kanyang victory dance.
 
“Sabi ko, ‘Huwag kang sasayaw, huwag kang sasayaw.’ Eh sumayaw siya. OK naman, ang cute naman ng dating,” sabi ni Angel.

Aminado si Angel siya ang nagturo kay Phil na magsayaw tuwing nakaka-goal ito.

“Huwag niyo po akong sisihin. Sabi ko kasi ano ba kayong mga lalaki kapag nakaka-goal laging body-bumping, sumayaw ka na lang. Eh nagjo-joke lang ako,” sabi ni Angel.

Tila pampabuenas daw kay Phil ang sayaw dahil nang sabihin ni Angel na ‘di na niya ito kailangan gawin, si Phil naman daw ang nagsabing ipagpapatuloy niya ito.

“Sabi niya mas nakaka-goal daw siya kapag ginagawa niya,” sabi ni Angel.

Patuloy din ang pagiging lucky in love nila sa isa’t-isa.

“We’re in love, we’re happy,” sabi ni Angel.

Pero kung tatanungin kung officially mag-on na ba sila?
 
“Parang ganoon na rin ‘yun. Kapag tinanong na niya na ako, sasabihan kita,” sabi ni Angel. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino