'Tawag Kids' may bagong kampeon mula Davao City

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2017 06:03 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Ang batang si Justin Tan mula sa Davao City ang pinakabagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan Kids."

Nitong Lunes, naagaw ng 11 anyos na si Tan ang ginuntuang mikropono mula kay Bench Ivan Nicanor para sa pag-awit niya ng "Defying Gravity" mula sa musical na "Wicked."

Nakatanggap si Tan ng iskor na 96.4% mula sa mga hurado, laban sa 89% na nakuha ni Nicanor na umawit ng "All of A Sudden" ni Matt Monro.

Nakatakdang bumalik si Tan sa Martes sa "It's Showtime" para depensahan ang kanyang titulo.

It's Showtime, Marso 20, 2017