Aiza's girlfriend confirms breakup

Posted at Mar 20 2012 10:37 PM | Updated as of Mar 21 2012 11:10 AM

Sumikat siya noon bilang “Darna” at leading lady ni FPJ.

Ngayon, balik-sirkulasyon si Nanette Medved para sa kawanggawa na misyon ay makapagpatayo ng classrooms.

Katuwang ni Nanette sa “I Drink I Give” campaign ang mga artista na produkto ng mga public schools tulad nina Boy Abunda, Bea Alonzo at Jericho Rosales na hindi nagpabayad sa kanilang serbisyo.

“We have a shortage of 66,800 classrooms. Let’s not always rely on government to do things for us. Let us also try to be proactive and do things ourselves, kaya naman natin,” sabi ni Nanette.

Giit ni Nanette, na maybahay na ngayon ng isang mayamang negosyante, wala siyang planong mag-showbiz comeback.

“I hope this is not necessarily a return to the scene. What we’re trying to bring to the scene here is Hope in a Bottle, nakikitulong lang ako,” sabi ni Nanette.

Naka-move on na ang talent manager na si Chen Sarte kasunod ng ‘di inaasahang paghihiwalay nila ni Aiza Seguerra matapos ng 7 taong pagsasama.

Buhos ngayon ang panahon ni Chen sa pagtaguyod ng bago niyang alaga na si Cathy Go.

Kasama niya ang folk singer na si Bayang Barrios sa pagtaguyod ng rakista.

Ngayong single na siya, umapela din si Chen na huwag intrigahin ang break-up nila ni Aiza na may bagong pag-ibig na umano ngayon.

“Ang laki ng naitulong sa akin ni Aiza, ang dami kong natutunan sa industriyang ito because of Aiza. Kung wala si Aiza siguro hindi ito ang field ko ngayon and I’m very happy na naging part siya ng buhay ko,” sabi ni Chen.

Umaasa din si Chen na makikita na siya ng publiko hindi na bilang ex ni Aiza kundi bilang tagapagtaguyod ng original Pinoy music. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino