Edward Barber, naiyak dahil sa takot

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2018 01:11 PM | Updated as of Mar 12 2018 01:21 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Kahit na hindi madali, hinarap ni Edward Barber ang isa sa kanyang pinaka-kinakatakutan.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, naiyak si Edward sa takot sa heights nang pinag-rapel siya sa isang adventure park sa Pampanga kasama ang kanyang ka-love team na si Maymay Entrata.

"You are already there. It's always like that. In the moment, ayaw mong gawin. Pagkatapos if you don't do it and you look back on it parang sayang 'yung opportunity. So I hated it during the moment. Even as we were doing it, I hated it. But looking at back it now, I'm so happy that I did it and I didn't give up," paliwanag ni Edward.

"Hindi ko nga alam na umiiyak (na) ako, akala ko baka sa hangin," dagdag ni Edward.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.