Marvin Agustin named anti-piracy ambassador

Posted at Mar 08 2012 10:57 PM | Updated as of Mar 09 2012 06:57 AM

Iba’t-ibang kuwento, inspirasyon at hamon sa buhay.

Iyan ang baon ng mga nakipagsapalaran para sa “X Factor Philippines.”

Nanguna mismo sa auditions sa probinsya ang host na si KC Concepcion.

“Common denominator nila is ‘yung love nila sa pagkanta. Pangarap nila makatungtong sa isang malaking entablado at makakanta sa harap ng Pilipinas at buong mundo,” sabi ni KC.

Umikot na sa 30 bansa ang reality singing competition at wish ni KC, makilala ang creator at judge ng X Factor na si Simon Cowell at maibida rito ang husay ng Pinoy.

Riot naman sa katatawanan ang pictorial pa lang ng “Moron 5 and the Crying Lady" kabilang sina Billy Crawford, Luis Manzano, Marvin Agustin at iba pa.

Pangiliti rin si John “Sweet” Lapuz.

“Mayroong makaka-kissing scene si Sweet. Kung sino, dapat abangan,” sabi ni Luis.

Magkahalong emosyon naman ang nararamdaman ni Billy na magbabalik Paris sa Abril para sa kanyang international career.

“I will be going there with an album, that's for sure,” sabi ni Billy.

Sasabak naman sa kanyang bagong papel si Marvin bilang ambassador para sa anti-piracy campaign ng Optical Media Board.

“Masyadong masakit kasi ngayong nagpro-produce na ako at nararamdaman ko eh. And as an actor, kapag hindi napupunta sa tamang pupuntahan ‘yung binibili ng tao, it kills the industry,” sabi ni Marvin.

Ipapalabas ang “Moron 5 at Crying Lady” ngayong Abril.