ABS-CBN News

Gretchen does not regret spending for costumes

Posted at | Updated as of 03/07/12 6:46 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Mistulang rarampa sa runway ng fashion show pero airport lang pala ang nagsilbing runway ni Gretchen Barretto.

Birthday ngayong araw ni Gretchen pero imbes na bonggang party, biyaheng Bhutan si La Greta para sa shooting ng teleseryeng "Princess and I."

Bago ito, simple lang ang selebrasyon ni Gretchen ng birthday.

“It was just Dominic, Tony and I. We just had a quiet midnight celebration,” sabi ni Gretchen.

Positibo ang pananaw sa buhay ng aktres kahit kamakailan lang nang maging emosyonal siya sa naudlot na proyektong "Alta."

Ngayon, nasasabik si Greta para sa "Princess and I" na maituturing na isa sa pinakamahal na teleserye kung saan sya gaganap na reyna.

“Everyone’s already calling me 'queen.' I say bow before me,” biro ni Gretchen.

Engrande ang costumes ni Gretchen na umabot sa 5 maleta kaya nag-excess baggage ito.

Aminado si Greta, gumastos din siya para sa outfits niya.

“Provided ng ABS-CBN yung costume talaga ng Bhutan and then a lot of the other costumes ginastusan ko because I really want to give the best to the audience,” sabi ni Gretchen.

Sa huli, hindi itinago ni Gretchen ang isyu ng kanyang umanong "demands" sa trabaho pero, ito'y nasa lugar naman.

“I only make demands when it comes to my role and the people I work with because gusto ko ibigay a hundred percent of myself,” sabi ni Gretchen.

Ayon kay Gretchen, tiyak na sulit ang gastos sa serye dahil sa dekalibre nitong kuwento. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino