Fil-Ams sweep Oscars for 'Best Short Film'

Posted at Feb 28 2011 10:46 PM | Updated as of Mar 01 2011 06:46 AM

Naghari ang "The King's Speech" sa Oscar awards bilang Best Picture at nakuha rin nito ang Best Actor para kay Colin Firth.

Si Natalie Portman naman ang nanalong Best Actress para sa “Black Swan.”

Nagaing mas exciting naman para sa mga Pinoy ang pagkakapanalo ng mga kababayang sina Gigi Dement, Stefanie Walmsley at Stephen Dypiangco, mga producer ng Oscar Best Short Film "God of Love."

Bago ang awards night, ani Walmsley: "It's completely surreal as can be imagined. I literally feel like i might just wake up and none of them is real."
 
Dating TV star sa Pilipinas si Stefanie, bago nagpunta sa Amerika.

Kuwento niya, bago namatay ang ama ilang taon na ang nakalipas, ipinangako niyang gagawin ang lahat para makamit ang tagumpay.

Espesyal din ang Oscars 2011 para sa mga Pilipinong nag-cover ng red carpet.

"For one thing I'm really proud na meron tayong mga nominees na mga Pilipino na maari nating maipagmalaki," ani Benjie Uy, red carpet photographer.

Bagama't hindi nanalo sina Hailee Steinfeld, nominado sa "True Grit" at Matthew Libatique, nominado sa "Black Swan," sigurado na ang pag-angat ng kanilang careers.

Magbibida si Hailee sa "Forgotten" at katatapos lamang ni Matthew ng trabaho sa pelikula ni Harrison Ford, ang "Cowboys and Aliens."

Matapos ang gabi ng parangal, balik-trabaho na naman ang mga taga-Hollywood.

Para nga sa mga kababayang nandito sa Hollywood, ngayon ngang mas dumarami na ang nagtatagumpay sa industriya, mas lalong tumitindi ang kanilang pag-asa na isang araw sila naman ang mag-uuwi ng tropeyo. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Hollywood, California