Liza, Enrique nagpakilig sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2017 12:27 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Muli na namang pinakilig nila Liza Soberano at Enrique Gil ang kanilang mga tagahanga sa pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

Iginiit ni Enrique na wala siyang dahilan para magselos sa mga nagkakagusto kay Liza dahil alam naman niya kung sino ang mahal nito.

"I trust her naman at saka alam ko naman kung sino ang love niya," ani Enrique.

Maliban sa ilang local stars, ay tila nagpakita din ng pagkagiliw kay Liza ang American singer-songwriter na si Charlie Puth na inimbithan pa ang aktres sa kanyang nagdaang concert.
 
Biro pa nga Enrique sa aktres ay tanungin si Charlie kung pwede nilang makilala ang idolo niyang si Wiz Kalifa.

Bumisita ang tambalang LizQuen sa "Magandang Buhay" para imbitahan ang mga Pinoy na panoorin ang kanilang pinakabagong pelikula na "My Ex and Whys" na ipapalabas na sa mga sinehan simula sa Miyerkules.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.