American Idol 2013 ushers in new era of Pinoy talents

Posted at Jan 23 2013 10:10 PM | Updated as of Jan 24 2013 06:10 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

 

 

Bago pa man ang Valentine’s show ni Jessica Sanchez sa bansa, maugong na ang pag-angat ng marami pang Pinoy talents sa bagong season ng “American Idol”. Kalat na sa Internet ang pagpasok diumano ng tatlong Pinoy sa top 40 contestants list.

 

Ayon naman kay Jude Turcuato ng Fox International at Star World Philippines, hindi pa nila makukumpirma ang pagpasok ng mga Pinoy pero totoong marami nating kababayan ang nag-audition sa US West Coast.

Samantala, tuloy na ang concert ng Korean superstar na si Psy sa February 16 sa The Arena kung saan guest si Ai-Ai delas Alas. Si Psy ang kumanta ng viral hit na Gangnam Style. TV Patrol, Enero 23 2013, Miyerkules