Sarah Geronimo finally speaks about Cristine Reyes

Posted at Jan 14 2011 11:14 PM | Updated as of Jan 15 2011 09:00 AM

Sinalubong ang unang pagsalang ng Pop Princess na si Sarah Geronimo sa entertainemt press ng isyung 'di pa niya nasasagot noong nakaraang taon.

Matagal na nanatiling tikom ang bibig ni Sarah sa isyu ng alitan umano nila ni Cristine Reyes na sumiklab sa social networking site na Twitter noong Disyembre dahil umano kay Rayver Cruz.

Hindi na nakaiwas si Sarah sa tanong ng press sa reaksyon niya sa mga maaanghang na pasaring umano sa kanya ng sexy star.

“Kaya po nagulat po ako talaga ako sa nangyari. Kasi ako po totoo po lahat ng pinakikita ko. Hindi ako marunong mam-plastic ng isang tao. Kung may galit ako, kung may sama ako ng loob, sasabihin ko sa 'yo. Nagulat na lang talaga ako,” ani Geronimo.

Ayon kay Sarah, hindi niya kailanman naging intensyon makasakit ng ibang tao. Humingi na ng sorry si Cristine sa Twitter.

Ito naman ang sagot ni Sarah dito: “Ayoko po muna sumagot, sumasakit ang dibdib ko.”

Inamin din ng Pop Princess na hindi na sila nag-uusap ni Rayver. 

Sa tanong sa totoong namagitan sa kanila ni Rayver, ito ang pahayag ng aktres: “Saka na lang po ako magsasalita. Kapag ako nagsalita, bonggang-bongga. Sa 2012.”

Ayaw daw kasi ni Sarah palakihin pa ang isyu dahil baka raw sabihin ng iba, binasag lamang niya ang katahimikan para sa promo ng Valentine concert nila ni Martin Nievera.

Sa gitna ng naging mapait na isyu at usapan tungkol sa Araw ng mga Puso, matamis ang naging pahayag ni Sarah.

“True love waits,” sabay tawang sabi ni Sarah. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino