Xian Lim wants to make Kim feel special

Posted at Jan 12 2012 11:54 PM | Updated as of Jan 13 2012 07:54 AM

All set nang humataw sa Big Dome ngayong gabi ang Canadian pop-punk band na Simple Plan.

“Amazing, nice warm weather, nice welcome. We're happy to be here. Thanks for waiting for us. It's been a long time since we've been here. It's one of our favorite places in the world,” sabi ni Pierre Bouvier.

“It's more fun in the Philippines. Every time we come here, people are so friendly and so nice to us,” sabi naman ni Chuck Comeau.

Ilan sa hits ng grupo ang “Perfect,” “I’m Just A Kid” at “Shut Up.”

Panay tuksuhan sa thanksgiving party ng “My Binondo Girl.”

Magtatapos na sa susunod na linggo ang serye pero mukhang tuloy ang kakilig-kilig na kuwento nina Kim Chiu at Xian Lim sa totoong buhay.

“Nakakakilig. ‘Yung old style, hindi ‘yung pa-cool, so kinikilig ako. Ang ganda talaga nilang tignan eh,” sabi ni Cherie Pie Picache.

Hindi naman itinanggi ni Xian na ispesyal sa kanya si Kim.

“Making her feel special. All I want is to make her happy. There’s something about her na talagang…wow,” sabi ni Xian.

Pero handa na nga ba si Kim para sa bagong pag-ibig?

“I want to take things slow, step by step para sigurado ‘yung nararamdaman mo,” sabi ni Kim.

Samantala ngayon pa lang, nag-iisip na raw si Xian ng plano sa Valentine’s Day para kay Kim.