Some local artists to join 'Bourne'

Posted at Jan 10 2012 10:00 PM | Updated as of Jan 11 2012 11:01 PM

Kagulat-gulat ang pagbalik-bansa ni Charice kaninang umaga sakay ng isang wheelchair habang palabas ng airport terminal.

Naaksidente noong Pasko si Charice sa Amerika habang nagske-skateboard kasama ang kapatid at ibang kaibigan.

“Natakot ako sa iniwasan kong sasakyan. Noong una po nagpasa-pasa muna siya, kulay green pa nga,” kuwento ni Charice.

Anim na linggong magsasaklay si Charice.

Nasa bansa si Charice para mag-celebrate ng kaarawan ng kanyang mommy at kapatid bago siyang muling babalik sa Amerika para sa acting auditions.

Big break para sa local showbiz scene ang palapit na shooting ng "Bourne Legacy."

Ito ang kinumpirma ng local producer ng pelikula na si Jun Juban.

Final casting na raw para sa local talents na makakaeksena ng mga bigating stars ng pelikula.

“Nagka-casting kami ngayon. The final choice will be given in a day or two. These are not major roles, bit roles pero napakimportante kasi may dialogue at interaction with our lead stars,” sabi ni Juban.

Bukod sa mga local talents, sabik din si Juban na mabibida ang buong bansa sa pelikula na dapat ipagmalaking nating mga Pinoy lalo't pinag-aagawan ng Jakarta, Indonesia at Ho Chi Minh, Vietnam ang karangalang i-shoot sa kanilang bansa ang “Bourne Legacy.”

“They are very happy, very happy with the Filipinos. This is definitely very different. In my 30 years of filmmaking, having handled a lot of the shows that have shot here, ito, Manila is Manila. It has never been done on this scale,” sabi ni Juban.

Naglabas na rin ang mga awtoridad ng traffic advisory para sa mga palapit na araw ng “Bourne Legacy” filming na mag-uumpisa bukas ng umaga sa Malate, Manila.

Dahil dito, nag-abiso na ang Metropolitan Manila Development Authority na sasarhan ang kahabaan ng Leveriza mula Quirino hanggang San Andres mula 5 a.m. hanggang 6 p.m. bukas at sa Huwebes. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino