Panoorin: Kuya Kim, muntik nang tuklawin ng ahas

Posted at Oct 21 2015 01:18 PM | Updated as of Oct 21 2015 09:18 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Tulad ng sinasabi ni Kuya Kim tuwing may gagawing mapangahas: "Mga bata sa inyong tahanan, huwag po itong gagayahin!"

Sa pagkakataong ito, isang Dahong Palay o Wagler's Pit Viper, ang nilapitan ni Kuya Kim para magbigay kaalaman tungkol dito. Alam mo ba na bukod sa pagiging arboreal o umaakyat sa puno, ang ahas na ito ay napaka-sensitibo sa init.

Gamit ang kanyang "pits" o maliliit na butas sa mukha kung saan may mga espesyal na organs, nakikita ng Dahong Palay ang imahe ng ibang hayop dahil sa init ng katawan ng hayop na ito.

Kaya kahit madilim...walang takas!

Comments? Suggestions? O karagdagang kaalaman tungkol sa mga kaibigan natin sa animalandia? Samahan si Kuya Kim tuwing Linggo sa kanyang adventures sa Matanglawin, 10 AM sa ABS-CBN at sa www.facebook.com/MatanglawinTV.