Engkanto sa resort, duwende sa paaralan sa La Union?

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 10:09 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inalayan ng dasal ang ilang mga lugar sa La Union, kabilang ang ilang historical sites, na umano'y nababalot ng kababalaghan.

Abandonado na ang dalawang magkatabing resort sa Bauang, La Union pero nababalot daw ang mga ito ng kababalaghan kaya puntahan ng mga turista na nais umanong makaranas ng kilabot.

Ito na ang ikalawang Kararua Tour na naglalayon din ipagdasal ang mga espiritung ligaw.

Kasama sa pag-iikot ang mga psychic na sina Aico at Doc Yari.

Sa labas ng resort, nakaramdam na umano sila ng kakaiba.

Nag-alay sila ng panalangin at nagtirik ng kandila.

Pero hanggang sa labas lamang ng ikalawang resort ang mga nag-tour dahil marami raw kasing engkanto.

May binisita ring paaralan na umano'y may mga kuwento ring ng kababalaghan.

Sa paglilibot sa paaralan, may napansin ang mga psychic sa isang gusali. Mga naglalaro umanong duwende. May itim at puti.

Nag-alay din ng dasal sa pagoda, kweba malapit sa kapitolyo at light house sa Poro Point, San Fernando, La Union.

Pagpatak ng alas-12 ng hatinggabi, sabay sabay nanalangin ang bawat isa para sa ikatatahimik ng mga kaluluwang ligaw sa mga historical sites sa La Union.

Para sa isang pastor, pananalig sa Diyos ang kailangan para labanan ang mga espiritu.

Palakasin din ang pananampalataya para hindi malapitan ng mga kakaibang nilalang. – Umagang kay Ganda, 1 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.