Mga aso, binasbasan ng pari sa Malabon

Reuters

Posted at Oct 01 2017 04:49 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Binasbasan ang ilang aso sa Malabon Zoo noong Sabado, Setyembre 30, kasabay sa nalalapit na pista ni San Franciso de Asisi at pagdiriwang ng World Animal Day.

Nasa 3 dosenang aso na iba't ibang lahi, mula chihuahua hanggang sa Tibetan Mastiff, ang ipinagdasal at binasbasan ng holy water. 

Ayon kay Manny Tiangco, may-ari ng zoo, nais ng taunang okasyon na wakasan ang kaugaliang pagkain sa mga aso.

Laganap umano ang ganitong tradisyon sa hilagang bahagi ng Pilipinas at sa ibang bansa sa Asya.

Bukod sa mga aso, binasbasan din ang isang reticulated python na pangunahing pang-akit ng zoo sa mga bisita.

Tinatayang nasa 10 milyon ang bilang ng aso sa Pilipinas, ayon sa Bureau of Animal Industry.

Kapwa Oktubre 4 ipinagdiriwang ang World Animal Day at pista ni Saint Francis of Assisi, ang patron ng mga hayop.

-- Ulat mula sa Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.