Nakawalang ahas, gumulantang sa harap ng kapitolyo sa Lucena

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2017 06:07 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isang ahas na tinatayang may laking lagpas 20 pulgada ang nakitang tumatawid sa daan sa harap ng Lucena City provincial capitol pasado alas-kwatro ng hapon, Lunes. 

Ayon kay Lucena City Hall, Admin Aid 3 Ronald Onia, isang gwardya ang unang nakapansin sa gumagalang ahas. 

Sa nakunang video ni Bayan Patroller Ash Rosales, makikita ang 2 lalaki na pilit isinisilid sa drum ang ahas ngunit paulit ulit itong nakakawala.

Matapos ang ilang minuto, tatlo pang lalaki ang nakitang tumulong upang maikulong ang sawa, na lumikha na ng trapik sa isang kalsada.

Suspetsa ni Patroller, lumabas ang ahas sa tinitirahan nito sanhi ng pagbaha sa lugar matapos ang malakas na ulan. 

Sa ngayon ay nakalagay pa rin ang ahas sa isang drum at patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PENRO upang ma-i-turnover na ito. 

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.