Lalaking ‘kinuyog’ ng bubuyog, nagtala ng world record

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2017 06:05 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagtala ng bagong world record ang isang lalaki sa Canada matapos mabalot ang kaniyang mukha ng mga bubuyog.

Nakuha ni Juan Carlos Noguez Ortiz ang Guinness World Record para sa pagkakaroon ng “bee beard” o tila balbas ng mga bubuyog matapos hayaang dapuan siya sa mukha ng mga bubuyog sa loob ng 61 minuto o mahigit isang oras.

Nanatiling kalmado lang si Ortiz kahit pa ramdam na raw niya sa mukha ang bee sting o ang masakit na pagpasok ng stinger ng bubuyog sa balat ng tao.

Napataob naman ni Ortiz ang dating may hawak ng record nitong bee beard matapos niyang mahigitan iyon ng walong minuto.

Ayon sa bagong world-record holder, dalawang beses niya munang sinubukang magpakuyog sa bubuyog bago tuluyang hamunin ang world record.

-- Ulat mula sa Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.