KILALANIN: Deboto ng Nazareno na si 'Batman'

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2018 10:05 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isang deboto ng Itim na Nazareno ang madalas nakikitang nakasuot ng costume ng superhero na si Batman tuwing dadalo ng Misa sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Maynila. Pero bakit nga ba ganito ang suot niya tuwing nagsisimba?
 
Dumalaw ang ABS-CBN News sa Bulacan para kilalanin ang 50-anyos na debotong si Rodrigo Dizon alyas "Batman."

Kuwento ni Dizon, 11 taon na siyang deboto ng Poong Nazareno bilang pasasalamat sa maayos na lagay ng kaniyang asawa at 2 anak, gayundin sa paglago ng kaniyang tricycle business at kangkungan.

Aniya, "Sa tuwing ako ay dadalaw sa Poong Nazareno, iba ang aking pakiramdam. Binibigyan ako ng malakas na pangangatawan at matatag na samahan."

Ibinahagi rin niya ang kahulugan ng kaniyang walang palyang pagbibihis bilang Batman tuwing first Friday Mass.
 
"Ako po ay nagsusuot ng super hero costume para agaw-atensyon, para ipaalam sa kanila na hindi lang ordinaryong tao kundi superheroes din. Kasi si Batman laging sinasabi 'Si Batman bahala' -- si Lord ang bahala sa atin," ani Dizon.

Umagang Kay Ganda, 9 Enero 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.