ALAMIN: Bagong disenyo ng pera na lalabas sa 2018

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 01:40 PM | Updated as of Dec 27 2017 02:00 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bukod sa bagong disenyo ng P5 at P10 na barya, ilang detalye rin ng mga bagong peso bills ang binago ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mas batang bersyon ng mga mukha ng mga dating pangulo ang inimprenta sa mga pera, ani Gratia Malic, deputy director ng currency and issue office ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mas pinatingkad din ang kulay at mas nilakihan ang mga numero ng mga bagong perang papel matapos makatanggap ng ilang reklamo sa publiko na nakakalito at halos magkasing kulay ang P100 at P1000 na peso bill.

"Kung nalilito pa din sila, tingnan na lang nila 'yung numerical value," ani Malic.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.