PAL workers march to Mendiola to protest layoff

Posted at Nov 03 2010 01:24 AM | Updated as of Nov 03 2010 09:46 AM

Kumain sila ng kanin at tuyo para ipakita ang magiging buhay umano ng mga Philippine Airlines (PAL) workers dahil sa desisyon ng labor department na payagan ang mass lay-off ng mahigit dalawang libong empleyado ng PAL.

Una na silang nagprotesta sa tanggapan ng DOLE, kung saan ibinalandra nila ang gawang sementeryo na sumisimbolo naman daw sa kamatayan ng job security sa bansa.

Ngunit sabi ng Malacanang, hindi sila makikialam sa nangyayari sa PAL, sa halip ay hinimok ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang mga empleyado na umapela sa desisyon ng DOLE sa pamamagitan ng pagsasampa ng Motion for Reconsideration. TV Patrol, Martes, Nobyembre 2, 2010.