Mga opisyal ng BDO at BPI, nagpaliwanag tungkol sa mga aberya

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 11:40 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Humarap sa Senado ang mga opisyal ng BDO at BPI para ipaliwanag ang mga aberyang nangyari sa accounts ng ilang kliyente nila. Nilinaw ng BDO na ilang ATM lang nila ang naapektuhan ng 'skimming' device. Habang itinanggi naman ng BPI na kagagawan ng hacker ang system glitch na nakaapekto sa online transactions ng kanilang mga kliyente kamakailan. Nagpa-Patrol, Sherrie Ann Torres. TV Patrol, Miyerkoles, Hunyo 21, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.