Gov't allots P11.2B as education aid

Posted at May 02 2012 09:46 PM | Updated as of Jan 02 2017 03:09 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Masakit man sa loob ni Paula pero ‘di na niya kayang i-enrol sa kolehiyo ang high school graduate na anak na si Cristina.

Sapat lang kasi sa pang-araw-araw nilang gastos ang P7,000 suweldo ng kanyang asawa bilang driver.

“Kahit hindi ka magsalita sa kanya, nakikita mo na nalulungkot siya,” sabi ni Paula.

Posible namang matulungan si Paula ng Educational Assistance Fund program ng gobyerno na pinondohan ng kita ng government-owned corporations.

“This P11.2 billion investment is important not just to meet tuition but really for the long-term,” sabi ni Secretary Butch Abad.

Bukas ang programa sa mga SSS at GSIS members.

Nasa P4,000 ang puwedeng utangin ng GSIS member.

Sa SSS, mga miyembrong sumusuweldo lang ng P10,000 pababa ang puwedeng umutang.

Dapat din ay maganda ang standing ng SSS member at may kontribusyon na katumbas ng 36 na buwan.

Nasa P15,000 kada semester o P120,000 para sa apat na taong kurso ang puwedeng utangin ng kuwalipikadong SSS member.

Six percent ang interes at puwedeng bayaran matapos ang limang taon.

Puwede nang mag-apply sa nasabing loan ang GSIS members bukas.

At sa susunod na linggo naman sa SSS.

Sa datos ng gobyerno, 14 lamang sa 100 estudyante ang nakakatapos hanggang kolehiyo.

Ang numero unong dahilan: kahirapan.

Kaya naman hindi na nakakagulat kung bakit marami pa rin ang hirap makahanap ng magandang trabaho. Zen Hernandez, Patrol ng Pilipino