Asian finance bigwigs' gathering met with protests

Posted at May 03 2012 01:29 AM | Updated as of May 03 2012 09:29 AM

Naging mahigpit ang seguridad sa pagsisimula ng ika-45 annual meeting ng mga board of governors ng Asian Development Bank sa PICC sa Maynila.

Pinangunahan ni ADB President Haruhiko Kuroda ang mahigit sa 4,000 delegasyon mula sa iba't ibang bansa.

Sesentro ang apat na araw na talakayan sa negosyo, edukasyon, kalikasan, globalisasyon, teknolohiya at kalakalan.

Sinalubong naman ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo ang pagpupulong.

Prinotesta ng Freedom From Debt Coalition ang papel ng ADB sa pagsasapribado ng sektor ng tubig at enerhiya.

Kinondena naman ng Bagong Alyansang Makabayan ang pag-asikaso ng pamahalaan sa mga delegado ng naturang pulong.