Presyo ng gulay mula Cordillera, matatag

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2016 02:58 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nananatiling matatag ang presyo ng highland vegetables o mga gulay na nanggagaling sa Cordillera region sa kabila ng El Niño.

Ayon kay Danny Dabio, Department of Agriculture (DA) Cordillera assistant regional director, hindi apektado ng El Niño ang mga taniman ng gulay sa Benguet at Mountain Province kaya walang inaasahang pagtaas sa presyo ng gulay partikular na sa Metro Manila.

Bumaba pa anya ang presyo ng mga gulay kumpara noong mga nakaraang buwan dahil panahon na anya ng pag-aani ng gulay sa Cordillera.

Tiniyak din ng DA na sapat ang suplay ng gulay partikular sa Kalakhang Maynila.

Pero nagbabala rin ang ahensya na maaaring maapektuhan ang presyo at suplay ng gulay kapag nagkaroon ng panibagong kalamidad.

- dzMM, 6 Marso 2016