Xander Ford, 'Baby Shark', kabilang sa 'pinakahinanap' ngayong 2017

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2017 09:16 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kabilang sa overall top trending searches sa Pilipinas sa taong 2017 ang lyrics ng mga kantang "Despacito", "Versace on the Floor", "Baby Shark," habang pasok din ang personalidad na si Xander Ford, at ang event na Miss Universe.

Overall Top Trending Searches for 2017 in the Philippines

1. Despacito lyrics
2. Versace on the Floor lyrics
3. Miss Universe 2017
4. Lucia Joaquin
5. Xander Ford
6. The Voice Teens
7. 13 Reasons Why
8. Baby Shark
9. Perfect lyrics
10. FIBA Asia Cup

Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng “Baby Shark”, ang nursery rhyme na naging monster hit ng 2017?

Dahil dito, napabilang din ang “Baby Shark” sa lumabas na most searched na trends at personalidad sa Google Year in Search 2017.

Patok din sa maraming netizen ang number one trend na lyrics ng “Despacito” habang pumangalawa ang “Versace on the Floor”. 

Most searched songs and lyrics by Google Philippines:

1. Despacito
2. Versace on the Floor
3. Baby Shark
4. Perfect
5. Shape of You
6. Titibo-tibo
7. Say You Won't Let Go
8. Too Good at Goodbyes
9. Beauty and the Beast
10. How Far I'll Go

Samantala, nangunguna sa listahan ng most searched male personality ang kontrobersiyal na social media star na si Xander Ford. 

Nalagpasan pa niya sina Gong Yoo na bida sa seryeng “Goblin”, at iba pang Korean at sports idols, gayundin si Jake Zyrus na dating kilala bilang Charice. 

Most searched male personalities by Google Philippines:

1. Xander Ford
2. Park Bo Gum
3. Park Hyung Sik
4. Gong Yoo
5. Linkin Park
6. Rowan Atkinson
7. Gilas Pilipinas
8. Jake Zyrus
9. Nam Joo Hyuk
10. Kim Joo Hyuk

Si Maxine Medina naman ang most searched female personality, patunay ng pagiging beauty pageant fan ng mga Pinoy.

Bukod kay Medina, nasama rin sa top 10 ang iba pang beauty queens na sina Binibining Pilipinas International Mariel de Leon, dating Miss Universe Dayanara Torres, at Miss Universe Philippines Rachel Peters.

Pasok din sa top 10 ang winner ng "Asia’s Next Top Model" na si Maureen Wroblewitz at ang nagsilang na anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla. 

Most searched female personalities by Google Philippines:

1. Maxine Medina
2. Gal Gadot
3. Kylie Padilla
4. Kim Tae Hee
5. Maureen Wroblewitz
6. Lee Sung Kyung
7. BLACKPINK
8. Mariel de Leon
9. Dayanara Torres
10. Rachel Peters

Bumandera naman ang Miss Universe 2017 bilang number 1 most searched event na sinundan ng FIBA Asia Cup, at ang kontrobersiyal na boxing match nina Manny Pacquiao at Jeff Horn sa Australia.
 
Most searched events by Google Philippines:

1. Miss Universe 2017
2. FIBA Asia Cup
3. Pacquiao vs. Horn Fight
4. NBA Playoffs
5. Mother's Day
6. Mayweather vs McGregor Fight
7. ASEAN Summit
8. Chinese New Year
9. Miss Universe 2016
10. Wimbledon

Nanguna naman ang “The Voice Teens” sa most searched TV Shows na sinundan ng US Series na “13 Reasons Why”, “Goblin”, at iba pang Koreanovela. 

Most searched TV shows by Google Philippines:

1. The Voice Teens
2. 13 Reasons Why
3. Goblin
4. The Legend of the Blue Sea
5. Love in the Moonlight
6. Encantadia
7. Weightlifting Fairy
8. While You Were Sleeping
9. Game of Thrones
10. Scarlet Heart

-- May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.