Facebook group, patok sa mga 'Titos and Titas of Manila'

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2017 09:54 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinag-uusapan ngayon ang Facebook group na para sa Generation X o mga nabuhay noong panahon ng 70s, 80s, at 90s.

Babaha ng masasayang throwback posts sa iyong Facebook account kung ikaw ay kabilang sa tinaguriang mga “Titos and Titas of Manila.”

Isang buwan pa lang binuksan ang grupo pero halos isang milyon na ang bilang ng miyembro nito ngayon. 

Pag-'going down memory lane' at para makalimutan ang hindi magagandang posts sa social media ang layunin ng grupo. 

May mga pinahuhulaan sa grupo kung saan dapat maliin ang sagot.

Halimbawa na lamang ang pinahuhulaang “famous icon ng sabong panlaba” pero ang sagot nila ay si Zuma, Mang Kanor, Tito Boy, Wacky Kiray, at marami pang iba. 

May dugtungan din ng lumang kanta gaya ng “bulag, pipi at...” kung saan ilan sa mga idinugtong ang 'bwisit', bungi, bungol, bungal, 'bonjing', baog, at bangag.

May mga classic ding tanong gaya ng “ano ho ba ang tama, ‘pag nahulog ‘yung ipis sa sabon, madudumihan ‘yung sabon o lilinis ‘yung ipis?”

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.