'Nang-iiwan': Netizens, humugot sa kumalas na bagon ng MRT

Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2017 03:55 PM | Updated as of Nov 16 2017 08:56 PM

 

Naging maingay sa social media ang MRT-3 matapos humiwalay ang isang bagon mula sa ibang bahagi ng tren nitong Huwebes.

Naiwan sa gitna ng riles sa pagitan ng Ayala at Buendia station ang kumalas na bagon habang patuloy na bumiyahe ang unang bahagi ng tren.

Humirit ang mga tao sa social media at kinuha ang pagkakataon para magbahagi ng hugot lines:

May ilan naman na inihalintulad sa horror movie na "Final Destination" ang sunod-sunod na pagkaantala at aksidente sa MRT.

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, nasa 130 hanggang 140 pasahero ang pinababa at pinaglakad sa riles dahil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.