VIRAL: Mga masasayang sandali ni Franco ng Hashtags

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2017 02:58 PM | Updated as of Nov 14 2017 05:00 PM

MANILA -- Viral ngayon ang video ng yumaong Hashtags member na si Franco Miguel Hernandez Lumanlan.

Sa tribute video na inilabas ng kanyang talent management na Cornerstone, makikita rito ang mga masasayang sandali ni Franco.
 
Maliban sa kanyang talento, inilarawan si Franco bilang isang mabuting kaibigan, nobyo at mabait na anak.

Pumanaw si Franco noong Sabado sa Davao Occidental matapos itong malunod.