PANOORIN: Mga trending na wedding proposal

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2017 10:04 PM

Trending sa social media ang bidyo ng mga kakaibang wedding proposal.

Isa sa mga bidyo ay ang proposal ni Sgt. Esmael Alisbo Jr., na nag-propose sa kanyang nobyang si Rica Fetros.

Hindi inaasahan ni Rica na magpo-propose sa kanya ang kanyang nobyo sa mismong araw na akala nila ay huli na nilang pagkikita.

Kumalat rin sa social media ang proposal ni Vincent Manarang sa kanyang nobyang si Dr. Ciara Diaz.

Kapwa miyembro ng pep squad ng kanilang paaralan ang dalawa.

Sa tulong ng kanilang mga kaibigan, nagawa ni Vincent ang proposal matapos ang isang pep rally.