Pagbabalik-TV ni Maricar Reyes, top trending sa Twitter

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2017 02:43 AM

MANILA -- Pinag-usapan sa Twitter ang pagbabalik-telebisyon ni Maricar Reyes nitong Lunes. 

Si Maricar ay isa nang parte ng teleseryeng "La Luna Sangre," kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Samantha Imperial, isang mabuting bampira na handang tulungan ang mga Moonchasers sa pagsugpo sa masasamang bampira. 

Matatandaang naging kasama rin ang karakter na ito sa "Imortal". 

Marami ang nag-post sa Twitter ng kani-kanilang reaksiyon sa pagbabalik-TV ni Maricar. Marami ang natuwa lalo na sa tinaguriang "grand entrance" nito na may "slow motion" effect pa. 

Habang hindi abala sa showbiz, iginugol ni Maricar ang kanyang oras upang mapalawig ang kaalaman sa baking. Maliban sa pagiging artista, isa ring lisensyadong doktor si Maricar sa totoong buhay. 

Tutukan ang "La Luna Sangre" tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng "Ang Probinsyano."