Dayuhan sa Dipolog, namamalimos umano kapag lasing

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2016 02:40 AM

Nagbabala sa publiko ang social welfare office ng Dipolog City ukol sa isang dayuhan na namamalimos umano kapag nalalasing.

Ito'y matapos kumalat sa social media ang litratong kuha ni Bayan Patroller Eugene Castro sa isang dayuhang nakitang namamalimos sa Lacaya St. sa nasabing lugar.

Umabot sa higit 51,000 shares ang litrato.

Ayon sa City Social Welfare Development Office, hindi na dapat bigyan ng limos ang lalaki.

Nakauwi na sa pamilya niya ang naturang dahuyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.