TRENDING: Si Tatay Moises at ang kanyang maleta

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2017 11:01 PM

Sa kabila ng kanyang iniindang karamdaman, nagsisikap si Moises Daguinod na itaguyod ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang maletang puno ng tsitsirya at iba pang paninda.

Taong 2009 nang ma-stroke si Tatay Moises. Sa kabila nang hirap sa paglalakad, araw-araw siyang pumupunta sa Makati para magtinda.

Kumalat ang larawan ni Tatay Moises sa social media kung saan pinuri siya ng mga netizen dahil sa kanyang kasipagan.