Pagbabalik ng 'KathNiel', top trending sa Twitter

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2017 12:30 AM | Updated as of Jun 27 2017 02:15 AM

MANILA -- Matagal na inabangan ng "KathNiel" fans ang pagbabalik ng kanilang mga idolong sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa primetime TV. 

Kaya naman nitong Lunes, nang ipakilala ang kanilang mga karakter sa "La Luna Sangre," nagdiwang ang "KathNiel" fandom sa social media. Nawindang tuloy ang Twitter sa samu't saring reaksiyon mula sa mga fans.

Top trending worldwide ang hashtag na #LaLunaSangreBagongMundo. Narito ang ilan sa mga reaksiyon: 

Sa kanilang muling pagbabalik telebisyon, sasabak sa aksyon sina Bernardo at Padilla na ilang buwan na naghanda para sa kanilang pagganap. 

Gagampanan ni Padilla ang karakter ni Tristan, isang pilyong jeepney driver na may malaking puso para sa mundo. Si Bernardo naman ay gaganap bilang Malia, ang tinaguriang "Bagong Itinakda" na siyang magbabalik ng kapayapaan sa pagitan ng mga lobo't bampira. 

Panoorin ang mga susunod na episode ng "La Luna Sangre" tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng "Ang Probinsyano." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.