'La Luna Sangre,' mainit na tinanggap ng netizens

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2017 12:30 AM

Mainit ang pagtanggap ng netizens sa unang episode ng pinaka-aabangang "La Luna Sangre" nitong Lunes ng gabi. 

Top-trending sa buong mundo ang hashtag na #LaLunaSangreAngSimula sa Twitter. Marami ang natuwa sa mga pakilig ng mga bidang sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. 

Hinangaan rin ang mahusay na pagganap ng mga batang bersyon ng karakter nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 

May ilang nagsabi na parang pelikula ang husay ng cinematography ng serye. 

Marami ang nangakong tututukan nila ang mga susunod na episode ng serye. Ang ilan ay hindi na nga makapaghintay na ma-upload ang episode sa iWant TV. 

Samantala, libo-libo ang kinilig sa muling paglabas ni Richard Gutierrez sa isang teleserye. Ang ilan ay halos matunaw sa nakakatakot pero napaka-charming na mata ng aktor, na gumaganap na hari ng mga bampira sa "La Luna Sangre". May ilan na nais daw magpakagat sa kanya. 

Tutukan ang mga susunod na episode ng "La Luna Sangre" mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng "Ang Probinsyano." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.