2 Eagle Ray, natagpuan sa Pangasinan

John Germono, ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2017 02:49 AM

PANGASINAN - Pinagkaguluhan ng mga residente sa baybayin ng Lingayen Beach ang dalawang patay na malaking pagi na natagpuan Lunes ng umaga.

Kuwento ng mga Bantay Dagat, nalambat ang mga ito sa bahaging sakop ng Lingayen pero may isang residente na nagka-interes dito at binalak nitong ipuslit ang mga pagi gamit ang kanyang sasakyan.

May habang 10 talampakan (hanggang buntot) ang malaking pagi habang nasa walong talampakan naman ang maliit na pagi.

Ayon sa Bureau of Fisheres and Aquatic Resources, Eagle Ray ang nakita sa lugar.

Iimbestigahan ng Municipal Agriculture Office ang insidente bago sulatan ang residenteng nagtangkang ipuslit ang mga patay na pagi.

Mga residente na rin mismo ang nagmalasakit na ibaon ang mga namatay na pagi sa baybayin ng Lingayen Beach.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.