Netizens, samu't saring reaksiyon sa bagong Darna

ABS-CBN News

Posted at May 30 2017 09:44 PM

MANILA -- Nawindang ang social media matapos i-anunsiyo nitong Martes na si Liza Soberano ang napiling gumanap na bagong Darna.

Marami ang naligalig dahil, sa wakas, natuldukan na ang kanilang mga agam-agam kung sino ang gaganap sa iconic role na ito. 

Ang huling lumipad bilang Darna ay ang seksing si Marian Rivera na ngayon ay isa nang ina. Gumanap ding Darna ang mga award-winning na aktres na sina Vilma Santos at Angel Locsin. 

Samantala, top-trending naman worldwide ang salitang "Darna." Samu't sari ang mga reaksiyon ng netizens. May ilang pabor kay Soberano, at may ilan rin namang sa tingin nila'y hindi bagay ang 19 taong gulang na aktres para sa isang daring na role. 

Sa isang eksklusibong panayam kay MJ Felipe, inamin ni Soberano na pinaghalong tuwa at kaba ang kanyang naramdaman matapos malamang siya ang susunod na lilipad bilang Darna. 

Tanggap din niyang hati ang opinyon ng mga tao sa kanyang pagganap, pero pinangako niyang paghuhusayan ang training na gaganapin sa mga susunod na linggo. 

"I will put my more than 100% best for this project," ani Soberano. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.