TINGNAN: Ka-cave-bang kasal sa Cagayan

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2018 01:16 AM

Ikinasal sa Callao Cave ang magkasintahang Mike Rubio at Suzy Daquiz. Kuha ni Paul Lopez

Kakaiba ang naging pag-iisang dibdib ng isang magkasintahang tubong Maynila. 

Ikinasal kasi sila sa chapel ng kilalalang Callao Cave sa Peñablanca, Cagayan Biyernes ng hapon.

Matagal na umanong pangarap ng magkasintahang Mike Rubio at Suzy Daquiz na ikasal sa Callao Cave. 

Wala sa kanila ang tubong Cagayan pero naisip nila na ikasal dito dahil espesyal at sagrado umano ang lugar.
 
Dream come true na maituturing ito ng magkasintahan.

Kilala ang Callao Cave dahil dito nadiskubre ng mga archeologist ang mga buto ng "Callao man" na ayon sa kanila ay posibleng kauna-unahang taong natagpuan sa Asia-Pacific.

Bukod sa chapel, makikita din dito ang iba't ibang rock formations.