‘Nakita, pero ’di naabot’: Palaliman ng hugot sa ‘super blue blood moon’

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2018 01:21 AM

Photo by Paul Miranda

Tinutukan ng marami ang paglitaw ng "super blue blood moon" sa kalangitan Miyerkoles ng gabi. 

Maraming Pinoy ang lumabas mula sa kani-kanilang mga tahanan, opisina't sasakyan para masaksihan ang isang phenomenon na huling nakita sa bansa noong ika-30 ng Disyembre, 1982. Ang ilan ay sumubok pang kumuha ng mga larawan gamit ang smartphones at digital cameras. 

Iba't ibang emosyon ang dala ng mamula-mulang kulay ng buwan. May ibang kinilig, nalumbay, at naramdaman muli ang sakit mula sa mga sugat ng kahapon. 

Kaya naman bukod sa mga larawan ng "super blue blood moon," napuno rin ang social media ng iba't ibang "hugot" posts mula sa mga netizens na nasawi sa pag-ibig.

Si Juan Ponce ng Quezon City, tila naalala ang kaniyang crush habang pinagmamasdan ang pulang buwan, samantalang si Julius Dela Cruz ay nagpatutsada sa mga taong "hirap pa rin makalimot." 

Todo hugot din ang admin ng Twitter page na @HugotPapa, dahil kahit 14 days pa bago mag-Valentine's Day ay sinabihan na ang kaniyang followers na wala silang makaka-date. 

Pero ibahin natin si Zamantha Kaye na bagama't may hugot din, puno pa rin siya ng pag-asa na darating ang "the one."


 Bukod sa Twitter netizens, active din sa pag-hugot ang ilang Facebook users. 

 

 

 

 

Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), mayroong "extra special" red glow ang "super blue blood moon." Kaya naman ito'y masarap pagmasdan, may ka-holding hands ka man o wala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.