Ginebra coach Tim Cone itinangging may alok na trabaho ang La Salle

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 11:50 PM

Itinanggi ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone na may alok na trabaho para sa kanya ang De La Salle University.

Ito’y matapos lumabas ang balitang iiwan na umano ni head coach Aldin Ayo ang La Salle para pamunuan ang koponan ng University of Santo Tomas.

“Nothing to it,” ang sagot ni Cone sa artikulong lumabas sa Spin.ph ngayong Miyerkoles patungkol sa umano’y alok ng La Salle.

Ayon sa di pinangalanang mga sources ng Spin, balak umano ipalit ng La Salle kay Ayo si Richard del Rosario, assistant coach ni Cone sa Ginebra, habang si Cone ay magiging consultant.

Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa La Salle kung may lipatan ngang magaganap.

Ayaw rin ni Ayo magsalita tungkol sa isyu.

Sa isang nauna pang interview, giit ni Cone na inimbita lang siya minsan ng Green Archers bilang motivational speaker bago mag-umpisa ang UAAP ngayong taon.

“They gave me a green jacket as a gift. Nothing more than that,” sagot ni Cone.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.