PANOORIN: Ateneo, nag-bonfire para sa mga kampeonato sa UAAP

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2017 08:41 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinagdiwang ng Ateneo de Manila University ang kanilang pagkapanalo sa ilang torneo ng UAAP Season 80 sa pamamagitan ng isang bonfire noong Sabado.

Kahit isang linggo na ang nakalipas, laking tuwa pa rin ng buong komunidad ng Ateneo sa pagkapanalo kontra karibal na De La Salle University sa men's basketball tournament.

Idinaan ang pagdiriwang sa fireworks display at bonfire na idinaos sa campus sa may Katipunan Avenue, Quezon City.

Pinilahan ang mga manlalaro ng Ateneo Blue Eagles para magpa-autograph.

Hinangaan din ng Blue Eagles ang De La Salle Green Archers.

Binigyang pugay kasi ng La Salle ang Ateneo nang pailawan nito ng kulay asul ang tapat ng St. La Salle Hall sa kabila ng pagkatalo.

Ipinagmalaki din nina team captain Vince Tolentino at big man Isaac Go ang pagkapanalo.

"I'm so thankful that on my last year, last season, I was able to leave Ateneo with a championship," ani Tolentino.

"I think all of us have this experience as kids, when we play the cement courts, we make the (winning) shots ... we always want that moment as kids," ani Go.

Bukod sa men's basketball, ipinagdiwang din ang pagkapanalo ng Ateneo sa mga torneong men and women's swimming at men's judo sa UAAP. -- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.